
|
Monday, December 26, 2005
krismas... kung nabasa niyo yung huling post ni migz, ang una niyang tanong, eh kung "dapat pa daw bang magsaya ng pasko?"... isang typical na tanong ng isang taong broke ngayong pasko! sakin, broke o hinde, sa palagay ko, wala naman dapat ipaghanda ng ganun kabongga! may pagkain man o wala, ang mahalaga'y sabay sabay kayo kumain ng pamilya mo! parang isang normal na araw pero required na magkasamasama kayo... kasi naman, minsan iisang bahay na nga lang inuuwian niyo, di pa kayo nagkikitakita! haay... tradition nga naman... ang weird noh?! wala naman sa Bibliya o sa anu mang sinabi ni Jesus yung mga tradition na ginagawa natin pero patuloy pa rin tong pinahahalagahan ng mga tao... ang labo, yung tipong nacocontrol tayo ng mga paniniwalang hindi naman natin alam kung saan nanggaling at kung sino ang nagpauso... hindi naman sinabi ni Jesus na kailangang may 7 (7 nga ba?!) klase ng prutas sa la mesa pag pasko, wala naman sa bibliya na kailangang may ham at keso de bola pag noche buena! hindi ba sapat na yung magsimba kayong pamilya at yung konting mapagsasalusaluhan ninyo! ako, eto, may pagkain, may regalo pero di kumpleto ang pamilya (la pa kasi si mama, bukas pa ang dating)! malungkot! pero, sabi nga ng papa ko, sanayan lang naman yan! kaya nga di ko maintindihan yung mga taong gusto pa ng garbong handaan ngayong pasko, eh kumpleto naman pamilya nila... | fritzie blurted out... 9:14 PM |
![]() ![]() ![]() jot abbie daena treze russ poulla kai ulan bulitas shona reighyah pao migz arikel khaye ahyie ![]() ![]() June 2004 ![]() Free Hit Counter *HUGS* TOTAL! More Comfort!!! Get hugs of your own stray being wandering around... ![]() |